Lovesick.
A journal of thoughts, stories and dreams of a teenage Filipina.


0 notes
05 April
Reblog

So my sister, brother and I were singing 1d’s One Way or Another repeatedly and we got LSS.

Then my sister started downloading their music videos on her ipad and we watched them, and some other live videos of them singing.

Gosh. They’re amazing. And we suddenly turned into fangirls.. And a fanboy. Haha.

0 notes
29 March
Reblog
— Bonding | 032613

11am na nung nagising ako. Actually nagising ako ng maaga, tapos naisip ko nang maglaba. Eh wala eh, tinamad ako. Haha.

Anyway, bago dapat mag 1 40 nasa SM na kami ni Niel. Nagyaya kasing manuod si Ate ng The Croods, kaya ayun. Dahil sa kabagalan ng kilos namin, 1 40 na no’n at na sa olivarez pa lang kami. Which is malayo pa. Hahaha. Plus, traffic.

Ayun, yung sunod na screening na tuloy yung papanuorin namin. Naglibot muna kami ng halos dalawang oras, saka kami pumasok sa sinehan.

Sobrang sulit naman ang pag lilibot namin. Haha. Actually mura ang price niya para sa gano’ng klase na movie. 142php lang.

Masaya kasi minsan lang kami makagalang magkakapatid. Haha.

0 notes
25 March
Reblog
— Congrats, bro. | 032413

image

Ako nagluto ng agahan/lunch namin, monggo atsaka fried chicken. Yehey! Proud. Haha. After no’n, naligo na ako’t nag ayos kasi male-late na kami sa Recognition Program ni Niel. 

As usual, napaka tumal ng Program. Isinabay pa kasi nila’yung graduation ng mga pre-elem at Grade 6. Kaya ayun, nganga kami maghapon. 

image

Anyway, proud Ate rin naman ako. Kasi nakakuha siya ng 10 na award. First honor, Most Obedient, Best in English, Best in Mathematics, Best in Science, Best in Computer, Best in Civics, First place Science Quiz Bee, First place Mathematics Quiz Bee, at Second Place in Spelling Bee. Oh diba, bongga. Hahaha.

Anyway, inggit ako sayo Niel. Hanggang Top 2 lang ako nung elem. :( Hahaha. Love you Niel! 

0 notes
17 March
Reblog
— Achievement! | 031513

image

Pumunta kami ng SM (Actually ako lang dapat) kasi ako, marami akong bibilhin tapos sila mommy naman, bored kaya sumama. Haha. Pagkadating namin do’n, nagpa-picture agad ako sa Picture City. Alam ko napost ko na dati na ayaw na ayaw ko talaga sa mga formal pictures. Hehe. Ayun, okay lang naman kasi babae ‘yung kumuha ng picture ko. Achievement yan! Hahaha. ‘Yan ang pinaka una kong formal picture na matino at muka akong tao. Hihihi

image

Tapos nagpa print rin ako ng mga wallet size na picture ko, at namin ni Raph. Hehe. After no’n nag gala gala kami, tapos ang daming swimsuit! Huhuhu nakakaiyak. Gusto ko bumili pero mag shirt pa rin ako at shorts. Haha. Hindi ko kaya mag two-piece eh. Tapos may nakita rin kami ni mommy na one piece, ganda e. Kaso hindi yun bagay sakin :’( Hahaha.

Anyway ayun bonding bonding. Natuwa ako kasi nag try ako ng red na lipstick tapos sa tingin ko bagay naman. Hindi naman ako nag ukang jejemon. Lol. Hehe. Tapos bumili na rin ako ng liquid eyeliner. Dalaga na ako! Hahahaha.

Tapos nag late dinner kami sa Mang inasal, tapos umuwi na. :-) 

1 note
03 March
Reblog
— Happy Kid | 030213

Plano ko sanang maglaba, kaso nagyaya si mommy na gumala. Bumili na raw kami ng sapatos na gagamitin ko para sa finals namin sa Oral Com, dahil bored na rin daw siya. Haha. Ayon, para may magawa naman ako, binasa ko na ‘yung pocket book na project namin para sa Filipino. Isang upuan lang siya sa’kin, 96 pages lang eh. Haha. Tapos nag ayos na kami at umalis. Una kaming pumunta sa Festi, nag ikot-ikot dun tapos naglakad na papunta sa Star Mall.

Una kaming naghanap ng gagamitin kong shoes, tapos ‘yung una pa naming napuntahan, ayaw magpatawad kahit na ang pangit na nung dikit. So nung nakahanap na kami ng maayos, tinawaran na ni mommy ng todo. Hahaha! 450php daw ang orig price n’yan, pero nakuha namin for 350php lang. Ayaw pa nga pumayag nung una eh, nag inarte pa si mommy. Hahaha!

After no’n, nag tingin-tingin kami ng iba pang shoes. Tapos sabi ko kay mommy, gusto ko bumili ng Vans kahit na hindi ‘yung totoo. Sobrang sikip na kasi nung converse ko, kailangan na  ng bagong shoes. Haha. Oh, 330php lang ‘yan. Keri na rin. :-)

Kumain kami ng dinner tapos umuwi na rin. Ayon, masaya kasi may heels na ako. Tapos late-birthday gift daw sa’kin ni mommy ‘yung vans. Yaay! <3

3 notes
20 January
Reblog
— Dear Niel,

Happy Birthday bunso! Alam mo bang proud na proud si Ate sayo? Kasi bukod sa ang pogi pogi’t ang cute mo, ang talino mo pa. Biruin mo, top 1 ka? Oh, bongga diba. Haha. Ang bait mo pa kasi parati mong pinapautang si Ate. Hahaha! At syempre, tayo parati nagkakasundo pagdating sa games. :-) Di bale, hindi na ako mangungutang sayo. Hahaha. At pag may chicks ka na, dalhin mo sa bahay natin ah? Para makilala namin. Hahaha! Love na love ka ni Ate, tandaan mo ‘yan. ♥

Late post. | 011713

0 notes
25 December
Reblog
— Christmas Day! :-)

Kagabi, bago mag midnight, sama sama kaming tatlong magkakapatid sa kwarto ni Ate. Nanuod kami ng Frankenweenie bago mag Pasko. Tapos nung nag 12mn na, pumunta na rin sila Mommy at Lola. Ngayakapan tapos nag kiss sa cheeks. Hihihi. Nakakatuwa, kahit na hindi ako sanay sa ganun.

Bigay ni Ate ‘yang satchel, hihi sa wakas natupad na ‘yung isa sa mga wishlist ko. Tapos binigyan ako ni Niel ng 2 panyo (nalimutan ko picturan, sorry bunso) at timing naman kasi plano kong bumili ng bago. Haha. Tapos ‘yung regalo sakin ni mommy, ‘yung dress at bag na pinost ko dito. (Eto ‘yun.) Tapos kay lola, cash. Hihihi.

Mga 3am na kami natapos, at past 6am na ako nakatulog. Naabutan ko nang may sinag ng araw, grabe. ’Yung feeling na pabale-balentong ka na sa kama mo kasi hindi ka makatulog. Tapos mga 11 am ako nagising. Nag ayos, tapos umalis kami ng mga 1pm para pumunta sa Alabang.

Nang makarating kami, kumain muna kami sa Kenny Roger’s. Paano ba naman, nawalan pa kami ng gas. Wala tuloy agahan at tanghalian. Haha, tapos after mag ikot-ikot, pumunta kaming powerbooks tapos tumingin kami ni Ate ng planner. Pareho kami ng kinuha. Hihi. Gagawa ako ng separate post tungkol dyan. :-)

Tapos bumili kami ng Hamsters!! Hihi. Si Hazel Grace, kaya namin siya pinili kasi napaka energetic. Gusto niya pang makawala. Hahaha. Tapos si Gus naman, kabaliktaran. Tulog lang ng tulog sa sulok. Hihi.

Binalak sana naming bilhan na kaagad sila ng kulungan, kaso ang mahal eh. So sa bayan na lang kami ni Ate bibili bukas, pati na kusot para cute. Hihihi. Nag improvise muna ako, nilagay ko sila sa lagayan ng laruan ni Niel tapos ginupit ko ‘yung dulo ng plastic cups para may lagayan sila ng food at water. 

Ang saya lang nitong Pasko na ‘to. Sayang nga lang, hindi kami kumpleto.

[ 0 ]
— 24 December
► Reblog
— Naglalaro sa pc..
- Niel:Ugh! Talo ako.
- Niel:I hate myself.
- Ako:Wooow.
- Niel:Hate life.
- Niel:Drat!
0 notes
22 December
Reblog
— Happy kid! ☺

Dahil wala kaming magawang mag-iina kanina, pumunta kami ng Biñan para mag tingin-tingin at maghanap ng nagtitinda ng tuta, kahit askal lang. Nung una, wala pa si Ate kaya kami muna ‘yung naglibot. Ako, si mommy tapos ‘yung bunso naming si Niel.

Actually sando ‘yung hinahanap ko eh. Nung wala kaming makita, bumili kami ng kwek-kwek. Tapos bigla ko ‘tong nakita. Lapit agad ako eh. Hahaha! Buti na lang at binili ko na, kasi last stock na ‘yan at gustong-gusto ko talaga magkaroon ng laced na black dress. Sabi ni mommy saan ko naman daw gagamitin? Well may incoming shoot kami, tapos eto rin susuotin ko sa PT Night after ng PT Week namin next year. Ohh, prepared. Hahaha! ;)

Cute no? Hihihi. Actually, dapat color brown ‘yung bibilhin ko tapos iba ‘yung design. Nadulas si mommy, sabi niya wag na daw ganung bilhin kong kulay kasi ganun na ‘yung regalo sakin ni Ate. Hihihi, satchel daw. :’) Pero dahil puro malalaki ang mga bag ko, napag isip-isip kong bumili ng maliit naman. Hassle rin kasi kapag puro malaki.

Bumili kami ng wallet ni Niel, tapos ng mga ipapanregalo namin sa mga babae naming pinsan. Nakita pa namin ‘yung dalawa naming pinsan sa Jollibee, tapos dun nakipag kita sa amin si Ate. Tapos bumili rin siya ng Bag, orange na shoulder bag. Cute rin. Hahaha!

Pauwi, nakakatuwa ‘yung sinakyan namin jeep kasi puro party songs ‘yung tugtog pero may katandaan ‘yung driver. Oh, bagets si manong. Haha! Tapos sabi ko, dapat 2012 ‘yung kanta kasi ngayon daw ‘yung katapusan diba? Sakto, 2012 ‘yung tumunog. Haha!

0 notes
19 December
Reblog
— “Mas maganda kapag naiiba kang babae.”

Naalala ‘kong binanggit ‘yan sa akin ni mommy nung isang araw. Tinanong ko kasi siya no’n kung papayag ba siya kung gustohin man ng bunso ‘kong kapatid maging sundalo.

Sabi niya sa’kin, payag naman siya kasi ‘yun naman daw ‘yung gusto ng kapatid ko at pangarap niya rin ‘yon nung dalaga pa siya. Sabi niya, ginusto daw niyang maging sundalo pero hindi daw siya pinayagan ni lolo, at wala daw kasi silang pera noon.

RF: Gusto ko rin maging sundalo. Tinanong ko kay mommy kung pwede, tapos sabi niya pwede naman raw pero second course na. Bakit? Kasi kapag gano’n daw, pagpasok mo, may rango ka na agad. ‘Yun siguro ‘yung bagay na pareho samin ni mommy — gusto namin “iba” kami. Gaya na lang sa mga kaibigan, mas pinipili ko ang mga lalakeng tropa kasi prangka sila, maalaga at masaya pa kasama.